Biyernes, Enero 11, 2013

Talento Ba Ang Usapan? Hindi Kami magpapatalo PINOY kaya Kami

Talentadong Pinoy

  Hindi mabubuo ang saya kung walang magpapakita ng kakaibang talento. Sa Pilipinas nagkalat na ang mga talentado halimbawa nalang sa Boracay ang daming sumasayaw na ang gamit ay apoy, sa larangan ng pagkanta Lea Salonga isang mahusay na pilipinang mang-aawit, sa larangan ng Boxing kinikilala na ng buong Mundo si Manny Pacman Paquiao at marami pang katulad nila ang talentadong Pilipino.


halina't kilalanin natin sila!!!

      Larangan ng Pag-awit
  1. Lea Salonga
  2. Basil Baldez
  3. Pilita Corrales
  4. Noel Cabangon
  5. Rey Valera
     Larangan ng Pag-arte
  1. Nora Aunor
  2. Sharon Cuneta
  3. Vilma Santos
  4. Maricel Soriano
  5. Dolphy Quizon
     Larangan ng Pagguhit
  1. Juan Luna
  2. Fernando Amorsolo
  3. Buenvenido  Lumbera
  4. Vicente Manansala
  5. Felix Hidalgo
      Larangan ng Pagsulat
  1. Tony Perz
  2. Bob Ong
  3. Paul Medina jr.
  4. Jose Rizal
  5. Marcelo Del Pilar

at marami pang iba ang katulad nila...

Makasaysayang Pook ating Puntahan at Balikan ang Nakaraan


Maglakbay sa Pilipinas




 Bahay ni Aguinaldo sa Kawit Cavite


Dito unang iniwagayway ang watawat ng Pilipinas na sumisimbolo sa Kalayaan ng Pilipinas sa loob ng Pananakop ng mga dayuhan.








Bagumbayan (Luneta Park)



Dito binaril ang ating Pambansang Bayani Dr. Jose P. Rizal .Ngayon ito na ay isang Parke kung saan makikita ang munomento ni Rizal






Isla ng Limawasa


Dito unang naganap ang kaunaunahang misa sa Pilipinas kung saan palihim itong itinago .Ang Isla ng Limawasa ay sagana rin sa magaganda at matataas na Puno.


Tunay na Ganda ba ang Hanap mo?

Mamangha sa Taglay na Ganda ng mga Hayop sa Pilinas




Tarsier

Ito ay isang hayop na matatagpuan sa bohol sa Bansang Pilipinas. Ito ay may malaking mata at matatabang katawan ngunit maliit. Ito ay dinadayo ng mga Turista para lang makuhaan ng litreto sa angking ganda nito.






Sinarapan 

Ito ay ang Pinaka maliit na Isda sa buong mundo ito ay makikita sa Pilipinas. Ang Sinarapan ay kasing laki lamang ng 25 centavos. Isa ito sa madalas dayuhin ng mga turista dahil sa liit nito.





Philippine Eagle

Ang Philippine Eagle ay ang Pambansang Ibon ng Pilipinas ito ay napakagandang ibon kaya maraming nagkaka-interest kunuha bg gaya nito .ito ay mataas lumipad at ang natalang pinakamataas nitong lipad ay  2 metro nalang ay abot na nya ang minimum level ng isang eroplano sa  himpapawid.






Kalabaw 

Ang Kalabaw ay ang Pambansang Hayop ng Pilipinas. Ito ang katulong ng magsasaka sa Pag tatanim ng mga Palay. ito ay kayang bumuhat ng hanggang 8 tao namay bigat ng 70 kilo.




Mga Pagkaing Pinoy sa Pilipinas

 

Tikman ang Sarap ng Pagkaing Pinoy!

Ang ating bansang Pilipinas ay kilala sa ganda nito at isa ring kinikilala ng iba ay ang mga Pagkaing Pinoy na dinadayo pa ng mga turista.Patuloy nating tangkilikin ang Pagkaing Pinoy lalo na't laong tumataas ang dami ng turista ang dumadayo sa ating bansa sikat man o di-sikat ,mayaman man o mahirap tinatangkilik ang Pagkaing Pinoy.

Ang mga sumusunod ay ang Pagkaing Pinoy na tinatangkilik ng mga Turista:

 Lumpia

Ang Lumpia ay isang halimbawa ng Pagkaing Pinoy na paborito ng mga Pilipino at pati mga Turista . Ito ay masustansya dahil ang loob nito ay gulay na tumutu long sa pagpapalakas ng katawan at ang ating resistensya.




Kutsinta

Ang Kutsinta ay isang uri ng kakanin na madalas kainin ng mga Pilipino tuwing umaga. Ito ay isang magandang halimbawa ng pagkaing Pinoy ito rin ay paborito ng mga turista na dumadayo pa dito. Ito ay napakasarap na pagkain sapagkat ito ay sinasamahan ng niyog na nagsisilbing pampasarap.





Balot

Ang Balot ay nagmula sa  itlog ng itik. Ito ay pinasikat ng mga taga Pateros dahil sa kanila kinilala ang Balot ng mga Pilipino.Dahil sa angking sarap nito pati mga turista ay kinikilala ito sa ating bansa. Matapos ang konsert ni Lady Gaga na ginanap sa Pilipinas siya ay namanha sa sarap ng Balot na isang Pagkaing Pinoy.



                 
Dinuguan

Ang Dinuguan ay isang Pagkaing Pinoy na Pasok sa Panlasa ng mga tao. Kahit anong okasyon man ang ganapin hinahanap hanap natin ang Dinuguan dahil ito ay nag tataglay ng masarap na lasa na hahanap hanapin mo.






Taho

Ang taho ay masarap na almusal sa umaga . Ito ay nagtataglay ng matamis nalasa para sa matamis mong araw dahil sa sarap nito ang taho ay kinilalang Pagkaing Pinoy dahil ito ay sumikat sa Pilipinas na hinahanap hanap nating mga Pilipino at ang mga turista.





Puto Bumbong

Isang halimbawa ng Pagkaing Pinoy na nagtataglay ng kakaibang lasa na hindi mo makakalimutan kahit saan ka man magpunta pati mga Turista paborito ang Puto bumbong dahil ito sa sarap na hindi nakalimutan ng mga Turista.





Huwebes, Enero 10, 2013

Puerto Princesa Underground River


Alam niyo ba?


Ang Puerto Princesa Underground River o St. Paul Underground River ay matatagpuan sa Palawan sa bansang Pilipinas. Noong Nobyembre 11, 2012 ay mapalad na napasama sa "New 7 wonders Nature of the World".  Noong 2010 natuklasan ng mga grupo ng mga Geologist ang kalikasang ito ay mayroong ikalawang palapag at ito ay may maliit na talon  sa loob ng kweba. 



isa lamang ito sa pinagmamalaki ng Pilipinas marami pang mga tanawin ang makikita sa bansang Pilipinas .