Biyernes, Enero 11, 2013

Mga Pagkaing Pinoy sa Pilipinas

 

Tikman ang Sarap ng Pagkaing Pinoy!

Ang ating bansang Pilipinas ay kilala sa ganda nito at isa ring kinikilala ng iba ay ang mga Pagkaing Pinoy na dinadayo pa ng mga turista.Patuloy nating tangkilikin ang Pagkaing Pinoy lalo na't laong tumataas ang dami ng turista ang dumadayo sa ating bansa sikat man o di-sikat ,mayaman man o mahirap tinatangkilik ang Pagkaing Pinoy.

Ang mga sumusunod ay ang Pagkaing Pinoy na tinatangkilik ng mga Turista:

 Lumpia

Ang Lumpia ay isang halimbawa ng Pagkaing Pinoy na paborito ng mga Pilipino at pati mga Turista . Ito ay masustansya dahil ang loob nito ay gulay na tumutu long sa pagpapalakas ng katawan at ang ating resistensya.




Kutsinta

Ang Kutsinta ay isang uri ng kakanin na madalas kainin ng mga Pilipino tuwing umaga. Ito ay isang magandang halimbawa ng pagkaing Pinoy ito rin ay paborito ng mga turista na dumadayo pa dito. Ito ay napakasarap na pagkain sapagkat ito ay sinasamahan ng niyog na nagsisilbing pampasarap.





Balot

Ang Balot ay nagmula sa  itlog ng itik. Ito ay pinasikat ng mga taga Pateros dahil sa kanila kinilala ang Balot ng mga Pilipino.Dahil sa angking sarap nito pati mga turista ay kinikilala ito sa ating bansa. Matapos ang konsert ni Lady Gaga na ginanap sa Pilipinas siya ay namanha sa sarap ng Balot na isang Pagkaing Pinoy.



                 
Dinuguan

Ang Dinuguan ay isang Pagkaing Pinoy na Pasok sa Panlasa ng mga tao. Kahit anong okasyon man ang ganapin hinahanap hanap natin ang Dinuguan dahil ito ay nag tataglay ng masarap na lasa na hahanap hanapin mo.






Taho

Ang taho ay masarap na almusal sa umaga . Ito ay nagtataglay ng matamis nalasa para sa matamis mong araw dahil sa sarap nito ang taho ay kinilalang Pagkaing Pinoy dahil ito ay sumikat sa Pilipinas na hinahanap hanap nating mga Pilipino at ang mga turista.





Puto Bumbong

Isang halimbawa ng Pagkaing Pinoy na nagtataglay ng kakaibang lasa na hindi mo makakalimutan kahit saan ka man magpunta pati mga Turista paborito ang Puto bumbong dahil ito sa sarap na hindi nakalimutan ng mga Turista.





2 komento: